Ang SINODO at Dalaw Patron sa Kapitbahayang Katoliko

Noong Oktubre 2, 2021 binuksan ni Papa Francisco sa Roma ang Sinodo para sa buong Simbahan. Sinundan ito ng pagbubukas rin sa bawat diyosesis noong Oktubre 17.

Ano ang Sinodo? Ang sinodo ay salitang Griego na ang kahulugan ay ā€œPagtitiponā€. Matapos ang Ikalawang Konsilio Vaticano, nagsimula ang regular na pagtitipon ng mga obispo mula sa buong mundo sa Roma upang talakayin ang isang usapin. Pagkatapos, ang Papa ay sumusulat ng isang dokumento na patungkol sa lahat ng mga kasapi ng Simbahang Katoliko upang lumalago ang pagkaunawa at pagsasabuhay ng ating pananampalataya. Ngayon pinalalawak ng ating Sto. Papa ang ginagawang ugnayan at pagtatalakayan. Kasali na pati ang mga mananampalataya sa kani-kanilang mga parokya. At hindi lamang ang mga namumuno at ang mga aktibong kasapi, kundi pati rin ang mga hindi sumisimba, ang mga nanlamig na at pati ang mga kasapi ng ibang relihiyon ay inaanyayahan na makiisa sa talakayan at pagbabahaginan. Saka pa lamang itataas sa Roma.

Ano ang tatalakayin? Walang iba kundi kung ano ang nangyayari sa Simbahan na kanilang kinabibilangan, kung paanong ang Simbahan ay naglalakbay. Kaya ang tema ng Sinodo na gagawin natin ay: Simbahang naglalakbay: Nakikipagbuklod, Nakikibahagi at Nagmimisyon. Sabi ng Papa, itong sama-samang paglalakbay ang nais mangyari ng Diyos para sa Simbahan ngayong ikatlong siglo. Ito ay isang handog mula sa Diyos at ito rin ay isang gampanin natin.

Sa magkasamang paglalakbay at sa pagninilay sa ginagawang paglalakbay, matututuhan ng Simbahan mula sa kaniyang karanasan kung anu-ano ang mga paraan upang maisabuhay ang Pakikipagbuklod, Pakikibahagi at Pagmimisyon. Dito sa sama-samang paglalakbay kumikilos at nakikilala ang tunay na kalagayan ng Simbahan bilang Bayan ng Diyos. Ito ang tanong na tatalakayin: Ang Simbahan, sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ay sama-samang naglalakbay.

Paanong itong sama-samang paglalakbay ay nagaganap sa iyong kinabibilangang Simbahan? Ano ang mga hakbang na dapat nating gawin upang lumago sa ating sama-samang paglalakbay ayon sa gabay ng Espiritu Santo?

Bilang pagtugon inaanyayahan tayong:

a) Tanungin ang sarili kung anong mga karanasan sa iyong kinabibilangang Simbahan ang naaala-ala batay sa tanong na ito.

b) Muling pagbalikan ang mga karanasang ito nang may mas malalim na pagtingin. Anong kagalakan ang naramdaman mo? Anong mga kahirapan at mga hadlang ang nakatagpo? Anong mga sugat ang nanariwa? Anong mga kaisipan ang lumulutang?

c) Tipunin ang bunga ang mga pagbabahaginan at pagninilay. Saan sa mga karanasang ito naririnig ang tinig ng Espiritu Santo? Ano ang hinihingi niya sa atin? Anong mga puntos ang kailangang kumpirmahin, mga inaasam na pagbabago, mga hakbang na dapat gawin? Saang aspeto tayo nagkakasundo? Anong landas ang nadidiskubre para sa ating kinabibilangang Simbahan?

Sa paglalakbay na ito may mga layunin nais nating maisakatuparan. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Aalalahanin ang paggabay ng Espiritu Santo sa paglalakbay ng Simbahan sa kasaysayan at pati ngayon. Inaanyayahan din tayo na maging saksi ng pagmamahal ng Diyos.
  • Lahat ay nakikibahagi at walang isinasantabi lalo na yaong nasa laylayan at binibigyan sila ng pagkakataon na magsalita at marinig upang makapag-ambag para sa pagpapatibay ng buhay pananampalataya ng Bayan ng Diyos.
  • Kinikilala at pinahahalagahan ang ibaā€™t-ibang kaloob at kakayahan mula sa Espiritu Santo para sa kagalingan ng pamayanan at ng buong sangkatauhan.
  • Naghahanap ng mga paraan ng pakikibahagi sa pananagutan sa pagpapahayag ng Mabuting Balita at pagtatatag ng maganda at kaaya-ayang mundo.
  • Sinusuri kung paanong ang pananagutan at kapangyarihan ay isinasabuhay sa Simbahan at kung paanong tumatakbo ang mga ito upang ang mga maling pagkilos na hindi nakaugat sa Mabuting Balita ay makita at mabago.
  • Kinikilala ang Sambayanang Kristiyano bilang mapagkakatiwalaang katuwang sa diyalogo, paghilom, pagkakasundo, pagsali at pakikibahagi, pagtatayong muli ng demokrasya, pagsulong ng kapatiran at pagkakaibigan.
  • Muling binubuo ang ugnayan ng mga kasapi ng Sambayanang Kristiyano ganun din ang mga kasapi ng mga sambayanan at ibang mga grupo sa lipunan, tulad ng mga kasapi ng ibang denominasyon at relihiyon, mga samahang sibiko at iba pang mga samahan.
  • Pinalalago ang pagpapahalaga at paglalaan ng mga bunga ng karanasan mula sa nagdaang pandaigdigan, pang rehiyon, pambansa at pangdiyosesis na sinodo. Ang layunin nitong Sinodo at konsultasyon ay hindi upang sumulat ng isang dokumento kundi magpunla ng mga pangarap, magpalutang ng mga pananaw, hayaang mamukadkad ang pag-asa, magpalago ng tiwala, magpahilom ng sugat, maghabi ng pakikipag-ugnayan, magpasikat ng pag-asa, matuto sa isaā€™t isa, lumikha ng magaling na paraan na magbibigay liwanag sa kaisipan, magpainit ng puso at magpalakas sa ating mga kamay. O diba kaya natin itong gawin sa DPKK?

Leave a Comment

Scroll to Top